Una sa Balita

Easter message ni Digong: Magpakumbaba at magpatawad

By
0 1,163

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan na gawing makabuluhan ang pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangaila­ngan.

Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulo na nakikiisa ito sa lahat ng Kristiyanong mananampalataya sa pagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay.

Ito aniya ang araw para papurihan si Hesus sa kanyang pagmamahal at mga naging sakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng sanlibutan.

“I join our brothers and sisters in the Christian faith in celebrating Easter Sunday. Today we are called to thank the Lord for giving us His only Son to save the world from sin. It is also a time to glorify Jesus for His sacrifices so that we can live with renewed hope towards eternal salvation,” pahayag ng Pangulo.

Hangad din ni Pangulong Duterte na manatili sa puso ng bawat Filipino ang pagiging mapagpakumbaba at mapagpatawad dahil ito umano ang magpapalaya sa matinding galit at kasakiman.

Mangyayari lamang ito, ayon pa sa Pangulo, at maging karapat-dapat sa pagmamahal ng Diyos kung aalisin ang pagiging makasarili.

“Let us make this occasion more meaningful by offering aid to others, especially to those in need. Let us pray for the welfare and safety of our countrymen and for lasting peace in our nation so that we can all work together in harmony towards real change. I wish everyone a solemn and joyous Easter Sunday.” dagdag pa ni Pangulong Duterte.