Una sa Balita

Earth Day sisimulan sa pagtatanim ng 10M puno ng Luntian Pilipinas

0 377

INIHAYAG ni Luntiang Pilipinas Party-list 1st nominee Michael Ubac ang kahandaang magtanim ng sampung mil­yong puno sa bansa at mamarkahan ng party-list ang ‘Earth Day’ sa muling pagpapatibay sa pangako na mag-invest sa ecological sustainability ng future ge­neration.

Ibinunyag din ni Ubac na ang grupo na itinatag noong 1998 ni Sen. Loren Legarda ay nagdaos kamakailan lamang ng dalawang malaking tree planting activity, isa sa Masbate City sa Bicol at sa main campus ng Polytechnic University of the Phi­lippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila. 

“We planted Narra seedlings in Masbate that would take 100 years to fully mature or keep on growing, outliving most if not all of us,” ani Ubac.

“The seedlings symbolize Luntiang Pilipinas’ commitment to pursue legislation that will have a positive impact on the country’s environment and will benefit generations of Filipinos,” dagdag ng multi-awarded journa­list.

Sinabi pa ni Ubac na ipinakita ng Luntiang Pilipinas na kayang-kayang gawin ang programa dahil ang grupo ay responsable sa pagtatanim at pagpapatubo sa may dalawang mil­yong puno sa 33 probinsya, 28 siyudad at 84 munisipalidad sa buong bansa.

“One of our four pillars that serve as a roadmap for achie­ving resiliency is a re-greening program that involves tree-growing, school-based vegetable gardening/gulayan sa paaralan, and backyard gardening,” paliwanag pa ni Ubac. 

Ang Luntiang Pilipinas ang kauna-una­hang green party sa Kamara at inindorso ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Aksyon Demokratiko na itinatag ng namayapang si Sen. Raul Roco.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy