Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eala pinatiklop Slovenian netter

0 139

MAINIT ang naging paghampas ni tennis ace Alex Eala sa kanyang panimula ngayong 2022 matapos magwagi sa opening ng qualifying round ng W25 Manacor tournament sa Spain nitong Lunes ng madaling araw (Manila time).

Rumagasa sa opening ng qualifying round ng professional tourney si 16-year-old Eala, Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador, makaraang pabagsakin si Slovenian netter Ella Hojnik sa iskor na 6-1, 6-1.

Ito ang unang kumpetisyon ni Eala, kasalukuyang World no. 526 ng Women’s Tennis Association, ngayong taon matapos lumiban sa Australian Open.

Samantala, sunod na makakabangga ni Eala sa qualifying round ng kumpetisyon si Mia Chudejova ng Slovakia. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.