Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eala muling papalo sa Spain

0 50

BALIK sa kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala mula sa isang buwang pagkatengga dahil sa pagtaas ng Covid-19, sa paghambalos sa W25 Platja D’Aro tournament sa Club Tennis D’Aro sa Spain simula ngayong Lunes.

Ito ang pangatlong $25,000 women’s pro tourney at ikawalo sa pangkalahatan ngayong taon ng 15-year-old Philippine junior tennis star at hangad ang ikalawang korona mula nang magreyna sa W15 Manacor noong January sa Spain din.

Sasalang sana ang Quezon City native netter sa $15,000 events sa Turkey sa huling linggo ng April at unang linggo ng May, pero pinigilan sa pagtaas ng pandemya patungo sa anim na araw na paligsahang ito. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.