Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Eala angat sa WTA ranking

0 68

MAKARAAN ang ilang professional tournaments nitong mga nakilapas na linggo, nakapagtala ng bagong career-high world ranking nitong Lunes Alexandra ‘Alex’ Eala sa Women’s Tennis Association (WTA).

Mula sa No. 903, akyat ng 140 baitang ang 15-year old Pinay tennis sensation na ngayo’y nakaupo na sa No. 763 ng WTA ranking pagakaraan ng apat na professional events na nilaruan ngayong taon.

Nakopo ni Eala ang kampeonato sa first leg ng W15 Manacor tournament sa Spain habang quarterfinals finish naman ang inabot sa second-third legs.

Umabot din ang 15-year old, Globe ambassadress at Rafa Nadal Academy (RNA) scholar sa paglahok sa W25 Grenoble tournament sa France.

Sunod sa radar ng Quezon City native netter ang W25 Manacor tourney sa susunod na buwan sa Spain din. (Janiel Abby Toralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.