Una sa Balita

Eagles dinagit ulit ang Tigers

By
0 9

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
2:00 p.m. – UE vs FEU
4:00 p.m. – UP vs Adamson

Napalaban ang unbeaten Ateneo sa wala pang panalong University of Sto. Tomas.

Humugot ng puwersa ang Blue Eagles sa kalagitnaan ng fourth period upang muling da­gitin ang 102-83 panalo laban sa Growling Tigers kahapon sa 80th UAAP basketball tournament 2nd round elims sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 49-39 sa halftime, natapyas sa limang puntos ang lamang ng last year’s runner-up Ate­neo, 75-70, sa pagtatapos ng third period.

Nagtulungan sina Thirdy Ravena at Matt Nieto sa fourth canto upang akayin ang Blue Eagles sa paglista ng 12-0 karta at lumapit sa elims sweep.

“We knew they were gonna be tough, It’s a good thing the players responded to the challenge,” hayag ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Patuloy naman ang kal­baryo ng Growling Tigers, nanatiling walang panalo sa 13 na laro.

Kumayod sina Ravena at Nieto ng 20 at 19 markers ayon sa pagkakasu­nod para sa Ateneo na dalawang panalo na lang at diretso na sila sa championship round bitbit ang thrice-to-beat advantage.

Sinubukan ng Ateneo na lumayo sa first canto, 18-6, subalit nadikitan agad sila 24-20 wala nang isang minuto sa orasan.

Muling kumalas ang Blue Eagles, 29-20, pero naagaw sa kanila ang bandera matapos humarurot ang Tigers ng 15-4 run, para sa 35-33 lead may 3:22 minuto sa second quarter.

Si Oliver De Guzman ang namuno sa opensa para sa UST matapos ilista ang 19 pts.