Una sa Balita

Eagle Riggs nabundol sa Palawan

0 313

Marami ang nabahala sa lumabas na balita na naaksidente ang host-comedian na si Eagle Riggs nitong madaling-araw ng Agosto 18 (Linggo) sa Palawan.

Ayon sa Facebook page ng Palawan News, tumatawid­ sa kalsada ang host nang bigla itong mabangga ng isang motorsiklo.

Sinugod sa ospital si Riggs at kasalukuyang naka-confine dahil sa ginawang operasyon sa kanya.

Sa Facebook account naman ni Riggs, makikitang may in-upload itong mga litrato which is ang huling ganap nito bago pa man maaksidente.

Nasa Puerto Princesa, Palawan si Riggs dahil may dinaluhan itong fashion show para mag-host noong August 17.

Ayon pa sa dagdag na ulat, alas-singko ng madaling-araw nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa ang host-­comedian at patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa Palawan hinggil sa pangyayari. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy