E-sports next big thing – Chot

By

Malaki ang poten­siyal ang eSports o e-sports (electronic sports), ilang taon na rin itong lumalaganap pero hindi lang masyadong natututukan sa main stream.

Malawak ang narara­ting ng competitive (video­) gaming, mga kumpetisyon na naka-base sa electronic­ systems lalo ang vide­o games.

“Two years ago I already saw that it (e-sports) has the potential,” ani Chot Reyes sa launching ng partnership ng ESPN at TV5 kahapon sa Snaps Sports Bar ng Sofitel. “That’s the next big thing in sports.”

Suportado umano ng datos, sa Pilipinas lang ay may 14 million e-sports enthusiasts na mapagtutuunan.

“It’s a growing market, it’s a very … affluent market,” dagdag ng TV5 president at Gilas Pilipinas coach. “I think 75 or 80 percent of e-sports market are employed, they’re the working class.”

Isa sa target ng partnership ng ESPN at TV5 ang pagtutok sa e-sports para lalo pang mapalawak at masuportahan. Kabilang ito sa planong pagpapalakas ng Philippine sports tulad ng basketball at volleyball na magkakaroon na ng mas malaking platform.

Pareho ng paniniwala at pananaw ang ESPN at TV5 hinggil sa e-sports, kaya tiwala si Reyes na mapapalakas pa ito. 

SHARE