Una sa Balita

E-Power bala ni Digong sa rice cartel

Pulis, sundalo kukumpiskahin ang bigas

By
0 490

BAGO lumipad para sa kanyang state visit sa Israel at Jordan ay nagbitiw ng babala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga rice trader na hindi siya magdadalawang-isip na gamitin ang kanyang emergency power para matugunan ang kinakaharap na problema sa bigas ng bansa.

“Now, I’m just war­ning the traders, lalo na ang tiyan ng Filipino. Do not force me to resort to emergency measure. Because if you do that and time is very limited, I will not allow Filipinos to go hungry,” sabi ng Pangulo sa maiksing press confe­rence matapos ang kanyang departure statement sa Ninoy Aquino International Airport kahapon nang hapon.

Hindi aniya haha­yaan ng Pangulo na magutom ang mga Filipino kaya nakahanda siyang atasan ang mga awtoridad para salakayin ang mga bodega ng mga rice trader kapag may nakita niyang may nagaganap na ‘artificial scheme’ sa merkado.

“Pero kung may nakita ako na hoarding, kalokohan, I will not hesitate to exercise the powers of the President and I will ask the military and the police to raid your warehouses, bodegas,” ayon kay Pangulong Duterte.

Gayunman, sinabi rin nito na magbibigay ng ‘just compensation’ hinggil dito.

“I can do that and if, I said, you force me, I will,” sabi pa ng Pa­ngulo kaugnay sa kanyang babala sa mga rice trader.