Una sa Balita

E-Painters timbog kay Durham

By
0 2

Malakas na trinumpeta ni Meralco import ­Allen Durham ang pagbabalik-pamatay na porma kagabi, bumuga ng 32 points at 12 rebounds at binisig ang dominasyon ng Bolts sa Rain or Shine 109-102, sa Oppo PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

May five assists, two steals at two blocks pa ang dating Grace Bible College standout, NBA D-League, French league veteran at 2014 Barako Bull reinforcement sa 41-minute job para kalsuhan ang back-to-back defeats ng Meralco.

Nakipagpalitan din ng pwesto ang Bolts sa Elasto Painters sa pagsakop na sa fifth spot  sa 3-2, win-loss record. Nahulog ang RoS sa sixth sa 2-2 sa pagkalagot ng kambal na ragasa.

Nasorpresa ang E-Painters na agad nabaon sa 16-0, sa first ­period tungo sa third quarter 26-point deficit, 93-67, sa jumpshot ni ­Kelly ­Nabong 1:34 sa clock. Kinapos na ang rally ng Painters sa endgame.

“It was really the first quarter that set the tone,” suma ni Bolts coach Norman Black. “It also helped a great deal that Allen played a great game today.”