Una sa Balita

E-Gate sa BI bawas sa mahabang pila sa airport

By
0 688

Sinimulan ng Bureau of Immigration (BI) ang Electronic Gate System (E-Gate) projec­t sa la­yong mapabilis ang pro­seso ng mga internatio­nal passenger at mabawasan ang mahabang pila sa mga paliparan.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Mo­rente na sa pamamagitan ng inilunsad na proyekto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umaas­a sila na mababawasan ang oras ng pagpopro­seso ng bawat manla­lakbay ng 8 hanggang 15 segundo mula sa ka­salukyang average na 45 segundo.

Ani Morente bukod sa mabilis na proseso, matutukoy din ng BI ang mga bibiyahe na may derogatory record, kabilang ang mga pugante at mga nasa blacklist, watch list at hold departure list.

“This project could not have come at a more opportune time in view of the steadily­ increasing volume of international flights and travelers that enter and exit the country ­everyday,” anang ko­misyuner.

Idinagdag pa ni Mo­rente na ang E-Gates ay may modernong securit­y features tulad ng facial recognition, biometric scanning, bar code reading­, at smart card recognition na pinag­sama sa iisang sistema.