Una sa Balita

E-cigarette nakakamatay — WHO

0 295

NAGBABALA ang Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at mga medical society sa publiko kaugnay sa pa­nganib na epekto ng paggamit ng mga electronic cigarette.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na base sa pag-aaral hindi totoo na konti lamang ang halo nitong nakakalasong kemikal at hindi mapanganib kumpara sa sigarilyo.

“We do not support their claim of reduced harm. These product endangered the health of both user and non-users and are clearly not meant for children,” ayon kay Duque.

Nalaman na bilang tugon sa epidemic sa US sanhi ng mga ­e-cigarette, ipakikilala ng WHO ang International Classification of Disease (ICD) 10 Code U07.0, isang international tool para ma­klasipika at ma-monitor ang malalang sakit dala ng pasyente sa loob ng 90 araw.

Ayon kay Duque, naiulat sa US ang paglobo ng bilang ng mga sakit na may kinalaman sa paggamit ng e-cigarette nitong mga nakalipas na buwan kung saan karamihan ay kabataan.

Hinikayat rin ni Duque ang kabataan partikular ang mga buntis na iwasan ang paggamit ng mga e-cigarette upang makaiwas sa mga sakit na dulot nito. ­(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy