Una sa Balita

Dyowa tinawag na pakawala, retokada: Kit Thompson nabuwisit, umalma sa fan

0 393

Sikat na nga si Kit Thompson, dahil heto nga at pati perso-nal life niya, hinahalungkat na ng mga fan. Pero ang nakakaloka, selos na selos ang mga fan sa kanyang dyowa, si Lea Marie Ruiz.

Sabi ba naman ni d_goddessofallthegoddess; “Ung gf ni Kit mukang pakawala! Mukang retokada lang! Pakipusuan guys if you agree! Love you Marco!”
Oh, di ba? Insultong matindi, na tawagin mong retokada, pa-kawala ang mahal ng idolo mo.

At hirit pa ulit niya, “There’s a lot of women out there who are much much much better than that cougar! Panira sya sa i­mage ng baby Kit namin!”
At siyempre, hindi nakatiis si Kit, na kahit may mga fan siya na sumusuporta, nagtatanggol sa kanya at sa dyowa niya, sinagot na rin niya ang fan.

“@d_goddessofallthegoddess sadly you are wrong, it’s not a fact. You have no right criticizing people on the internet or even in real life. You abuse the freedom social media has given you. You say you’re a fan but that’s not what I see.”

Haaaayyyy, kaloka talaga ang mga tao sa social media. (D­ondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy