Una sa Balita

Dyowa ni Solenn tinakasan ang traffic enforcer

By
0 2,661

Nagpasaway nga ba ang mister ni Solenn Heussaff sa traffic enforcer? Nag-feeling powerful nga ba ito? Sa kuwento kasi ni Nico Bolzico, sinita siya ng traffic enforcer, na tinawag niyang ‘marshall’ pero tinakasan niya ito. At sa bandang huli ng kuwento niya, doon lang niya ini-reveal ang katotohanan.

Anyway, heto ang chicka ni Mr. Bolzico:

“#Patato, #LaRosy and me were stopped by a Marshall coz I made a wrong U-turn. He said “Papers”, I said “Scissors, I win” and drove away.

“I was caught at the next corner, my license was taken and the penalty was triple coz I drove away from the authority.

“#BolzTip: When stopped by any authority be respectful, don’t try to be a smart a**…” buong ningning at super kaaliw na kuwento ni Nico sa kanyang Instagram.

Sa simula, iisipin mong hindi maganda ang kuwentong ito ni Nico. Traffic violator pala ito. Hindi magandang modelo sa mga mamamayan. Pangit ang pagtrato niya sa mga tao na ginagawa lang ang kanilang trabaho nang maayos.

Pero, tulad ng pelikula, at dahil si Nico Bolzico ay kilalang komedyante, matalas ang isip sa paglalaro at pagpapatawa, heto nga ang twist ng kuwento niya:

“The above story is not a true story; all the facts were made up by me, the picture was staged and #Patato is wearing make up; he doesn’t look that young normally! “The tip is real, always be respectful 🙂 Special thanks to the Marshall for being so game! End of caption!”

Oh, ‘di ba? ‘Yung feeling na nahuhulog ka na sa kuwento, sa huli, pinaasa ka lang pala. Hahahahaha!

Kaya ang mga fan, bilib na bilib sa mister ni Solenn.

Sabi ni ktincagadas, “No matter how long your captions Nico, for me it’s very worth it. Made me laugh!!! Even your voice I heard that while I’m reading! Haha!! The impact was so waaah! Very smart!’

Sey naman ni mildredalmiralorio “Thank you for always making me laugh Nico…my father just died last month and your humor is one of those few who makes me happy even for a little while.” (Dondon Sermino)

Pek2 shorts ni Gabbi wagi sa mga fan

Ang winner lang na kahit ang suot na pek@#$ shorts ni Gabbi Garcia, pinagdedebatehan ng mga fan, ha! As in super aliw nga sila sa sobrang sikip (na halos lumantad na ang cameltoe) at sobrang iksi na maong shorts ni Gabbi.

Kunsabagay, kering-keri kasi ni Gabbi ang ganitong outfitan. Seksi nga kasi siya, at lumalabas talaga ang aura niya sa kahit anong suot niya.

Marami rin ang nakaka-relate sa color niya na morena, at siyempre sa long hair niya na bagsak lang at walang masyadong drama. Feel na feel din nila si Gabbi kapag light lang ang make up, at hindi singkapal ng make up ng mga bading na nagsu-show sa musical stage kapag gabi.

Anyway, suwerte nga raw si Khalil Ramos dahil nabihag niya ang puso ni Gabbi. At siyempre, galit sa topic na ito ang mga fan nila ni Ruru Madrid.

Well…