Una sa Balita

Dyowa ni Solenn nabuwisit sa video ni Erwan kay Anne

By
0 3,574

Sobrang sweet at ­parang mas lalo pang naging sweet sa partner niya si Erwan Heussaff nang maging mag-asawa na sila ni Anne ­Curtis.

Birthday ni Anne noong February 17 at isa na yata sa napaka-sweet na greeting sa socmed ang post ni Erwan para sa asawa. Kasabay nito ang isang video na ginawa niya para sa kanyang misis, na nakapagpaiyak nga sa kilig kay Anne.

Sabi ni Erwan, “There is nothing more I enjoy in life than watching you have a good time, stuff your face and be merry. There is a certain way that you look at me that’s hard to describe but that will always let me know if we are where we supposed to be.

“Now that you’re my wife, my job is to make sure that all those things become constants on the road ahead. This is your 8th birthday that we celebrate together, yet it always feel so new and exhilarating.

“In the words of the King ‘Well, I love you for what you are. I even love you for what you become’.”

Sa birthday greeting na ‘yun ni Erwan, humirit ang bayaw niya, ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico ng comment na, ‘As usual @erwann making us look bad’.

Pagdating sa kilig, winner sa netizen ang post ni Erwan. Pero sa humor, iba talaga ang mister ni Solenn na may nagsabi pang, ‘best comment ever!’ nga raw.

Luis, Jessy ayaw tantanan ng mga daot

Instead na lumabas ng Manila o mag-dine-in sa fine-dining restaurant, hotelcation ang na­ging drama nu’ng Valen­tine’s ng mag-dyowa na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Super thank you sila sa Solaire Resort so malamang, gift or guest sila ng hotel. Wais nga naman kesa makipagbunuan sa traffic, at least sa hotel, nakapag-fine dining din sila ng dinner, nakapag-relax.
Although sa isa sa mga picture nila, meron pa silang kasamang isang couple. But for sure, sobra nilang na-enjoy ang moment na sila lang dalawa.

May fire range sa hotel at naglaro rin sila ni Jessy. Hindi lang sila kumain, bumaril din sila.
Base sa mga comment sa IG post ni Luis, marami ang kinikilig sa kanila. May nagsabi pang ngayon lang daw niya nakitang showy sa lovelife ang ­Kapamilya host kaya head over heels in-love raw ito kay Jessy.

Pero may mga nangdadaot din. Nandiyang nag-comment kay Luis ng, ‘walang forever’. Meron ding nag-tag pa kay Angel Locsin kahit na ang huli ay official na ring umamin sa relasyon nito kay Neil Arce.