Una sa Balita

Dyowa ni Ruffa bawal sa b-day party ni Eddie

By
0 2,266

Noong isang araw ay nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account (@iloveruffag) ng picture nila ng mommy niyang si Annabelle Rama at ang caption niya roon ay, “I’m super happy cuz Mom @annabelleramaig love me! I’m a good girl daw.”

Kuha sa 76th birthday dinner ng daddy niyang si Eddie Gutierrez ang picture nila ng kanyang mommy na pinost ni Ruffa.

Noong Tuesday nga ay nagkaroon ng intimate birthday dinner si Tito Eddie na ginanap sa bahay ng mag-asawang Felipe at Ching Cruz sa isang posh village sa Makati City at talagang pala­ging magkatsika roon ang mag-ina dahil walang isinama si Ruffa.

“Super intimate raw, kaya I can’t invite my friends,” sey ni Ruffa.

Iilan nga lang ang bisita sa birthday dinner na ‘yon ni Tito Eddie. Namataan namin doon ang TAPE, Inc. lady boss na si Malou Choa-Fagar, former Senator Jinggoy Estrada (na ‘tumakas’ dahil magkikita pa raw sila ng tatay niyang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada), Ricky Davao, Mother Lily Monteverde (na late dumating dahil galing pa sa special preview ng pelikula niyang My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador), former Governor Chavit Singson (with his love Yas), former Cebu Mayor Mike Rama, Secretary Sal Pane­lo at iba pa.

Siyempre, nandoon din ang mga anak ni Tito Eddie na sina Tonton, Ramon Christopher, Richard, Raymond (na na-late dahil may event pa) at Elvis Gutierrez (na kasama ang anak na si Aria).

Dumating din si Sarah Lahbati na kahit lalaki ang ipinagbubuntis ay ang ganda-ganda pa rin ng dating! Siyempre, kasama niyang dumating ni Richard si Zion na hindi pumayag na hindi sila makapag-duet ng kanyang Lolo Eddie!

Richard kumontra sa plano ni Annabelle kay Eddie

Good health ang birthday wish ni Bisaya para sa kanyang one and only love. Nagkukuwento si Bisaya na magpapa-check-up nga raw sila ni Tito Eddie.

Noong una, plano ni Bisaya na dalhin si Tito Eddie sa Cebu para magpa-check-up, pero sa kuwento ng former Sampaguita Pictures actor, hindi raw pumayag ang anak niyang si Richard dahil paano raw sila makakadalaw?

Eh, busy rin kasi si Richard sa taping ng La Luna Sangre, kaya kung sa Cebu magpapa-check-up si Tito Eddie (bale kailangan niyang magpa-confine), kailangan pa nilang mag-plane para madalaw ang kanilang tatay.

Sa halos araw-araw na taping ngayon ng La Luna Sangre, mahihirapan nga naman si Richard na dalawin si Tito Eddie. Eh, kapag sa ganoong sitwasyon kasi, gusto ni Richard, pati ng ibang mga kapatid niya na nakatutok sila sa kanilang tatay.