Una sa Balita

Dyowa ni Kelsey naaksidente sa Siargao

0 420

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNagtamo ng walong tahi sa ulo ang American boyfriend ni Kelsey Merritt na si Conor Dwyer. Naka-post sa Instagram wall ni Conor ang dalawang larawan nito na kuha sa Siargao.

Makikita sa IG nito ang long shot ng pagsi-surf nito at isa naman ay nakahiga ito sa wood floor habang naka-close up ang kanyang ulo. Nakasaad sa caption ng photo ang aksidente ni Conor.

@conorjdwyer, “Siargao, Stimpy & 8 stitches to the head..”

Si Conor ay isang Olympian gold meda­list at kinikilalang isa sa pinakamahusay na swimmer sa henerasyon nito. Posibleng nakuha ni Conor ang aksidente sa surfing dahil malabo itong maaksidente habang lumala­ngoy.

Pero mukhang mas binigyang-pansin niya ang enjoyment na naranasan at ganda ng isla ng Siargao, kaya kahit nagtamo ito ng sugat, gusto pa ring bumalik dito.
“…Love this island – will be back for more.”

Mula nang dumating sa bansa sina Conor at ang first Pinay na rumampa sa Victoria’s Sec­ret fa­shion show na si Kelsey, hindi na sila napirmi ng Manila.

Ang unang destinasyon nila ay sa Palawan. Sumunod ay sa Siargao.

Jennylyn pinaubaya si Jazz kay Solenn

Ang laki ng tulong ni Solenn Heusaff hindi lang sa mga bata, kundi maging sa anak ni Jennylyn Mercado na si Jazz. Kabilang si Jazz sa binigyan ng special painting lesson workshop ni Solenn sa kanyang beneficiary art project, ang “Kids Take Heart” para sa Kalipay Foundation.

Naka-post sa Instagram ni Jennylyn ang ilang mga larawan ni Jazz habang gina-guide ni Solenn ang kanyang anak sa pagpipinta.

Ayon sa caption ni Jennylyn, tinutulungan ng kapwa niya Kapuso artist ang anak para lumabas ang kakayahan nito sa art.

“Tita Sos @solenn helping Jazz unlock more of his artistic skills #Studiosoliven,” sabi ni Jen.

Hindi man kailangang sabihin ni Jennylyn, pero umaapaw ang puso nito sa saya sa bagong natutunan ng anak at sa bago nitong achievement, at ‘yun ay dahil kay Solenn.

Sa kanya namang Instagram, nagpahayag ng kasiyahan at fulfillment si Solenn na maturuan ang mga bata na ilabas ang creativity ng mga ito at hindi matakot sa anumang panghuhusga.

Dahil sa posting na ito, maraming mga nanay ang na-inspire at nagnanais na dalhin din nila ang anak kay Solenn para maturuan ang mga itong i-express ang kani-kanilang mga sarili sa pamamagitan ng painting.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy