Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dyowa ni Juliana gaya-gaya kay Goma

0 293

Naalala namin si Richard Gomez sa diumano’y boyfriend ng kanyang unica hija na si Juliana Gomez. Katulad ni Richard, into sports din ang non-showbiz guy. Katulad din naman ni Juliana.

At naalala rin namin noong si Goma na ngayon ay Mayor na ng Ormoc na into fencing at lumalaban din hanggang sa Southeast Asian Games.

Ang rumored boyfriend ng anak na si Juliana ay panlaban din ng ADMU (Ateneo de Manila University) sa fencing at sa profile nga nito, nakalagay ang “Olympic bound.”

So, ‘di-malayong sports ang isa sa common interest nila, bukod sa marami rin silang common friends. Cute si Miggy Bonnevie-Bautista na siguradong kilala sa mundo ng fencing.

Positive naman ang reaction ng karamihang netizens, lalo na sa nakakaalam ng background ng guy. Bagay raw ang dalawa. Pero parang may mga fan na na-disappoint dahil akala raw nila, sina Andres Muhlach at Juliana ang nagkakamabutihan, huh!

Showbiz couple nangangamoy hiwalayan

Kung maraming nabuntis, nagpakasal ngayong may pandemic, meron din namang mga couple o magka-relasyon na naghihiwalay.

‘Yung 24 hours kayong magkasama ng halos mag-iisang taon, talagang dalawang bagay ‘yan sa isang relasyon, kahit na mag-asawa pa. It can bring out the best or bring out the worse of each other.

Kung ‘yun last ang case, talagang posibleng ending niyan, hiwalayan o mag-aaway lang palagi.

May panghihinayang kami kung sa hiwalayan na nga mauuwi ang isang young showbiz couple. Pero sa isang banda, hindi rin kami magugulat kung totoo nga. Posibleng noong magdesisyon silang magpakasal, hindi pa nga siguro talaga sila ready.

At sa huli, baka nga mas best pa for the both of them.

Host nasuka sa ‘Showtime’

Aminado si Vice Ganda na nag-adjust din siya sa in-terms of his hirit as host sa It’s Showtime ngayong may pandemic, much more na napapanood pa sila sa A2Z channel na alam ng lahat, Christian station talaga.

“Alam mo, nakakabaliw talaga ang show ngayon. Pa-evolved nang pa-evolved ang platform, ang contestants kaya kailangang sabayan mo ang evolution.

“Yung ginagawa namin dati sa Showtime na hindi namin pwedeng gawin ngayon. You have to consider the pandemic, emosyon ng tao, situwasyon ng mga tao. Dati, all-tawanan, pero ngayon, kailangang hindi dapat ganun kasaya.”

Iba rin daw ang audience ng cable sa free TV.

“Ang lala ng evolution. Ang daming nangyayari araw-araw kaya nakakasuka siya sa pressure. Ang hirap! Pero, nakakatuwa kasi, it’s a brand new challenge.

“At kung for the longest time kaya kong i-host ang Showtime kahit lasing ako, pero sa ganitong situwasyon, kailangan kong mag-aral ulit. At siyempre, noong nagpunta ka ng A2Z, iba ang kumpanya ng A2Z, iba rin ang kumpanya ng ABS… may mga bagay na hindi puwede, so, ang hirap niya but it’s a learning experience.”

Pero pinuri ng isang hurado ng TNT si Vice at iba pang host ng It’s Showtime na si Rey Valera dahil hanga raw siyang talaga kung paano mag-adapt ang mga host at kung paano nakakapagbigay ng kasiyahan ang mga ito sa mga manonood lalo na sa panahon ngayon.

Ang TNT ay ang Tawag ng Tanghalan na grand finals na this week ang season 4 at inanunsiyo na rin agad na magtutuloy-tuloy ang panibagong season.

Leave A Reply

Your email address will not be published.