Una sa Balita

Dyowa ni Hidilyn, dawit sa isyu ng funding

0 520

HINILING ng Philippine Sports Commission (PSC) na huwag nang i-bash ang 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz bagaman hindi napigilan ang isang sports official na hindi ilabas ang isa sa mga posibleng tunay na dahilan kung bakit naglabas ng pahayag ang atleta sa social media.

Ito ay matapos ihayag ni dating PSC chairman Aparicio Mequi sa social media post nito ang paghiling­ ni Diaz sa ahensiya ng sports sa bansa na maisama ang boyfriend nito na mula sa Guam na si Julius Irvin Naranjo bilang isa sa kanyang coach at mabigyan din ng condo.

“So, as I promised my colleague, here are additional info re the boyfriend of Hidilyn,” sabi ni Mequi.

“She wanted PSC to hire him as her strength and conditioning (S&C) coach with a salary of $1,500 and condo inclusive of utilities at $400 or a total of $1,900/month! “Now, this fella is from Guam named Julius Irvin Naranjo,” paghahayag ni Mequi.

“If he really cares for and loves Hidilyn, why doesn’t he just help her without asking for renumerations? Does he have a working Visa? If none, then BOI should deport him asap! Anyway, PSC didn’t grant this special request of Hidilyn. Hopefully, she will not use this as an excuse if she doesn’t win a medal in the Tokyo 2020 Olympic Games,” sabi pa nito.

Agad naging laman ng iba’t ibang media ang tanging babaeng Olympic silver medalist matapos itong humingi ng tulong pinansiyal na nakatuon para sa kanyang paghahanda sa pagsali sa Tokyo Olympics sa susunod na taon. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy