Una sa Balita

Dyowa ni Giannis mas bet ang Lakers

0 476

SA isang Instagram Live session, hindi inaasahan ni Giannis Antetokounmpo ang biglang rebelasyon ng kanyang girlfriend na si Mariah Riddlesprigger.

“I was a Laker fan growing up,” pambubuko ni Riddlesprigger.

Pero may diin naman sa ‘growing up’. Sa Fresno, California lumaki ang babae, kaya siguradong Lakers fan nga siya (Clippers kaya?).

Napatigil bigla ang Greek Freak, laglag ang panga pero unti-unting naging ngiti ang pagkabigla.

“Oh no, I gotta stop the live now,” sundot pa ng Milwaukee Bucks star.

Bago tinigil ang season dahil sa coronavirus ay NBA-best ang 53-12 record ng Bucks sa Eastern Conference, No. 1 sa West ang Lakers sa 49-14.

Kung matuloy ang season at sakaling magtagpo ang Bucks at Lakers sa Finals, siyempre alam na kung kanino magtsi-cheer si Riddlesprigger.

May isang anak na lalaki na sina Antetokounmpo at Riddlesprigger.

Sa session, ibinuko rin ng reigning MVP na siya ang nag-initiate ng first kiss nila ng girlfriend. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More