Una sa Balita

Dyowa ni Carlo nilait ng mga fan ni Angelica

0 398

Iba-iba ang naging reaction at comment ng mga follower ni Carlo Aquino sa Instagram, sa posting niya ng larawan nila ng girlfriend na si Trina Candaza.

Ang nasabing larawan ay kuha sa bakasyon ng aktor sa Japan kasama ang nasabing kasintahan. May mga natuwa sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ni Carlo, at marami ang nagsasabing hawig ang dalaga ng ex-girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban.

May mga namintas sa itsura ni Trina at sinabing “babalu” ito o mahaba ang baba.

Napansin naman ng iba na malaki ang pagkakahawig nina Carlo at ng syota nito, dahil halos parehas sila kung ngumiti, hugis ng mata at pagkakangiti.

Pero marami naman ang nag-comment na maganda ang babae at bagay silang dalawa nito. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More