Una sa Balita

Dyoga ni Kris Bernal kinatakutan ng mga fan

0 4,677

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
Buhay na n­aman ang isyu ng “breast enhancement” kay Kris B­ernal, matapos siyang mag-post ng larawan na kuha sa isang gym. Hindi napigilan ng mga follower ng Kapuso star na pagdudahang retoke ang mga dibdib ng aktres dahil sa nakabalandrang pamimintog sa laki ng mga ito.

Nakasuot ng two-piece sexy gym outfit si Kris habang kinukunan ang sarili. Naka-suot ng sports bra at shorts si Kris.

Kapansin-pansin ang nagmumura sa laki ng dibdib ng aktres. Na siyang pinagtatakhan ng kanyang mga follower dahil sobrang laki nga raw, samantalang halos buto’t balat lang naman daw ang kanyang katawan.

Kaya marami talaga ang nagduda kung original ba ang dibdib niya.

@zaaaandroreyes: “Parang dati flat to?! Hahaha.”

@101403me: “@zaaaandroreyes, totoo sobrang payat tapos biglang lumaki un.”

@hannamolok: “Nasobrahan sa laki.”

@da.rwin3628: “Sobra laki naman nyan.”

@ecgenson: “Nakakatakot naman tignan.”

@blackrose2758: “what, sayo lahat yan?”

Sa mga chikahan namin ni Kris noon, palagi niyang itinatanggi na nagparetoke siya, at push up bra lang ang suot niya kaya mukhang malaki.

Angel nanawagan ng pagkakaisa

Kung ang ibang mga big star ay patuloy ang pagtutol sa resulta ng eleksyon, kalmadong tinanggap naman ni Angel Locsin ang mga nababalitang pumasok sa unofficial result ng Magic 12 para senatorial seat.

Sa kanyang tweet ay binati pa ng bida sa “The General’s Daughter” ang lahat ng mga nanalo sa midterm elections.

Sabi niya, ilan daw sa mga ibinoto niya ay nakapasok, at marami rin naman ang natalo. Pinuri si Angel ng kanyang mga follower dahil sa panawagan niya ng pagkakaisa ng lahat para sa isang mas magandang bansa.

Jinkee binalikan ang dating bahay, paaralan

Binalikan ni Jinkee Pacquiao ang dati nilang t­irahan at pinapasukang elementary school sa General Santos City. May mga larawan pa si Jinkee sa Instagram na kasama ang kanyang kambal na naka-pose sa ground ng dating eskuwelahan.

Ang ibang photo naman ay kasama ang dati nilang mga kapitbahay.

Sabi ng misis ng Pambansang Kamao sa caption, nakaramdam siya ng kasiyahan sa dating lugar lalo’t muling nagbalik ang alaala ng kanyang kabataan.

“God is good,” sabi pa ni Jinkee na sakto sa e­stado ng kanyang buhay sa kasalukuyan.

Ikinatuwa naman ng mga fan ang pagbisita ni Jinkee sa kanyang kinalakihang lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy