Una sa Balita

‘Dynamic Star RSA’ solo champ sa MCC Derby

0 360

TINANGHAL na solo champion ang entry na Dynamic Star RSA ni Arnel Alison sa 20th Manila Cockers Club 7-Stag Breeders Festival sa Cockers Arena, G/F Turf Building ng San Lazaro Leisure Park sa Barangay Lantic, Governor’s Drive sa Carmona, Cavite.

Nakalikom ng 7 points ang winning team matapos makipagpukpukan sa mga bigating sabungero tulad nina former LGBA Breeder of the Year Arch. Peter Buendia (Pag Asa Gold Buenas Dias); Edmond Bautista (ABH South Luzon 1); Engr. Ruben Rabutin (Lucky 4C 1) at Limuel Reyes (PLJ Bravo).
Pumangalawa naman si Bebot Tan, nakalikom ng 6.5 points sa likod ng anim na panalo at isang draw.

Ilan sa mga nagpartisipa sina World Slasher Cup champion, Thunderbird endorser and Bacolod breeder Dicky Lim; Thunderbird endorser Teng Ranola at Rey Briones, Rod Advincula, Atty. Carlos Tumpalan, Bautista Brothers, Engr. Jun Sevilla at former Congressman Amado Bagatsing.

Para sa mga karagdagang detalye kaugnay sa Manila Cockers­ Club, tawagan ang MCC hotline (02) 696-1120 o (63)917-5822615. Maaari ring bisitahin ang www.manilacockers.­com.

Samantala, dinagdagan ng MCC ang kanilang breeders assistance fund para sa mga miyembrong lalahok sa mga derby ngayong Nobyembre at Disyembre.
Magbibigay na ang MCC ng total P7 million para sa 7-Stag National Banded derbies.

Ang P6 million ay para sa breeders assistance fund (PBAF) at ang P1 million ay para naman sa additional breeders assistance fund (ABAF), ibibigay sa mga regular member na natapos ang buong kurso ng derby.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy