Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dyip mahaba pisi kay Gray

0 82

WILLING to wait ang Terrafirma kay Jeremiah Gray.

Kinulang ang dokumento ni Gray noong isang taon kaya hindi agad nasama sa 2021 Draft.

Inabot ng ACL injury ang Fil-Am habang naglalaro para sa TNT sa PBA 3×3 noong November, inoperahan at sumasailalim pa rin sa recovery.

Nagluwag ang liga sa hinihinging dokumento ng Fil-foreign players, nakapasok na si Gray ngayong taon.

Pinasabit agad ng Dyip ang 6-foot-5 winger sa No. 2 pick sa 2022 Draft nitong Linggo sa Robinsons Place-Manila.

“Very willing to wait (kami), kasi very talented naman ‘yung bata,” ani coach Johnedel Cardel. “Alam namin ‘yung risk. Actually, ilang months na rin naman siyang naka-rest so willing to wait kami talaga.”

Maghihintay ang Dyip, inaasahang sa midseason Commissioner’s Cup na makakabalik si Gray.

Kinuha rin ng Terrafirma sina Allen Mina (third round), Shaq Alanes (fourth), Sandy Cenal (fifth) at Red Cachuela (sixth). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.