Una sa Balita

Dyip ipinasada nina Alston, Perez

0 183

AGAD kinolekta ng Columbian Dyip ang una nitong panalo matapos na biguin ang debut ni Alaska coach Jeffrey Cariaso sa pagkapit sa Aces sa paghugot ng 117-110 panalo sa pagbubukas ng ikatlo at panghuling kumperensiya na PBA Governors Cup sa MOA Arena.

Ibinuhos ng Dyip ang kabuuang 20-6 run sa 6:26 ng ikatlong yugto upang kapitan ang pinakamalaki nitong abante sa 14 puntos tungo na sa paghugot sa pansamantalang solong liderato.

Pinanumuan ni import Khapri Alston ang Dyip sa itinalang 38 puntos, 22 rebounds at 4 assists habang nagdagdag si CJ Perez ng 28 puntos, 13 rebounds, 1 assist at 2 steals.

“We’re happy with this win. We want a peek at a championship. These team had bunch of experienced national players in the team. We are looking to win a title,” sabi lamang ni Alston.

Ibinigay ni Glen Khobuntin sa kanyang driving layup ang pinakamalaking abante bago na lamang naghabol ang Aces na hindi na nakasama ang tatlong manlalaro na sina Derrick Ahanmisi, Kevin Racal at Jeron Teng ay na-injured pa ang sentro na si Noy Baclao.

Itinala ng Dyip ang kabuuang 37 puntos sa ikatlong yugto upang pigilan ang pag-atake ng Aces na humabol sa hanggang pitong puntos sa 75-82. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy