Una sa Balita

Dy March 11-17 Player of the Week ng Press Corps

By
0 1,304

MAY kalituhan ang talahanayan ng 80th UAAP 2017-2018 women’s indoor volleyball tournament second round eliminations.

Pagkaraan nang ma­tinding aksyon noong Linggo, nagkaroon ng dalawang tabla sa una’t pangalawang puwesto, dalawa rin sa pang anim na puwesto, at hindi na­ngangahulugan na nasa komportableng lagay na ang nasa No.3 at no. 5 dahil puwede pa silang umangat o bumagsak.

Dahil dito ang Far Eastern­ University muna ang kasakulukuyang nasa pangatlo na may 6-4 panalo-talo na rekord habang ang Adamson University ang nasa panlima na may 4-5.

Sa gitna ng pagkalito dahil sa mga dalawang parehang tabla, ang defending champion De La Salle University ang nananatiling nasa tuktok.

Ang Lady Archers ang walang talo sa nagdaang linggo kaya sila ang nasa unang puwesto dala ang 8-2 rekord at siguradong pasok na sa Final Four. Ang sunod-sunod na panalo ay dahil kay Kim Kianna Dy.

Ang La Salle volleybelle na opposite hitter ang pinagmumulan ng kanilang opensiba sa parehas na panalo ng kontra University of the Philippines at FEU Lady Tamaraws kaya siya ang muling tinanghal na UAAP Press Corps Player of the week para sa Marso 11-17.

At kahit na ang mga panalo sa UP Lady Maroons at Lady Tams ay magkalayo laban sa Diliman at Sampaloc, naging palawit si Dy sa gitna ng kaguluhan.

Nagpakitang gilas siya kontra UP kaya natapos ang laban sa tatlong set lang, 25-15, 25-19, 25,19, at si Kim ay may 14 points, five aces, at four blocks.

At nitong Linggo, kumamada si Dy ng 18 points para makuha ang panalo sa kanilang five set laban sa FEU, 25-17, 21-25, 16-25, 25-20, 15-5.

Lutang si Dy sa umipisa ng kanilang paluan kontra FEU. Sa huli, mas nahimasmasan siya at pumuntos sa huling set ng apat sa kanilang 10 points at five points ang nangaling sa mga error ng Lay Tams.

“Yung mindset namin coming into the fifth set was dapat mauna kami, kasi FEU is very aggressive so pag dumikit mahihirapan kami,” sambit ni Dy. “So game plan talaga is unahan sila.”

Ang bente dos-anyos na dalagita’y hindi pa maihahalintulad kina Cherry Ann Rondina, Alyja Daphne Santiago, at Diana Carlos dahil ang tatlong beterana’y nag-a-average ng mahigit 18 points per game at tulad ni Rondina ay may average na 21.2 kada laro, ngunit ang eleganteng estilo ni Dy ang ginagamit nya para makaakyat sa tuktok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy