Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dwight, Rajon secret weapon ng Lakers

0 190

INAGAW nina Dwight Howard at Rajon Rondo ang spotlight sa Game 1 ng Western Conference Finals sa pagitan ng LA Lakers at Denver Nuggets.

Instant trending sa social media ang dalawang player dahil sa kanilang vintage performance para tulungan ang Lakers na masungkit ang panalo sa iskor na 126-114.

Sa naturang laro, 13 points at dalawang block ang ginawa ni Dwight, pero mas matindi ang depensa kay Nikola Jokic.

Pinag-usapan ang kanyang mga dakdak at butata na tila nagbalik ang dating Howard na sumungkit ng tatlong Defensive Player of the Year award.

Nagbalik din ang husay ni Rondo sa playmaking kung saan kumana siya ng nine assists. (Raymark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.