Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dwight atat magpasiklab

0 62

DIDRIBOL na kasama ang Toyama Grouses sa Japan B.League si Filipino import Dwight Ramos makaraang sumailalim ito sa ilang health protocols.

Nakatakdang mag-debut si Ramos sa darating na weekend kung saan makakalaban ng Grouses ang kampo ni Bobby Ray Parks Jr. na Nagoya Diamond Dolphins.

“I’m finally out of quarantine. I’m really excited to join the team and practice with them, meet everbody for the first time and be part of Toyama,” sey ni Ramos sa inilabas na video ng Grouses via Twitter.

Related Posts

Dagdag pa ng 23-year-old guard,” I’m really excited for the game this weekend and hopefully everbody can come out and see us and support us this weekend.”

Inaasahang malaki ang maitutulong ni Ramos sa Grouses na kasalukuyang lugmok sa 0-4 sankaagahan ng 2021-2022 B.League season.

Magugunitang lumaro si Ramos para sa Gilas Pilipinas nitong 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers at pumoste ng average na 13.8 points, 6.2 rebounds at 2.2 assists per game. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.