Una sa Balita

Dwayne ‘The Rock’ Johnson wagi sa MTV Movie, TV Awards

0 305

Si Dwayne ‘The Rock’ Johnson ang nakatanggap ng Generation Award mula sa 2019 MTV Movie and TV Awards.

Ginawaran si The Rock hindi lang dahil sa mga hit movies niya kundi pati na ang magandang example niya sa mga kabataan na humahanga sa kanya.

Sa acceptance speech ni The Rock, ibinahagi nito ang isang quote na kanyang naging paboritong i-share sa marami: “It’s nice to be important, but it’s important to be nice.”

Pinalakpakan din ang Oscar winner na si Brie Larson dahil sa pagtanggap niya ng Best Fight award. Isinama niya onstage ang dalawang naging stunt double niya sa pelikulang “Captain Marvel”.

Sey ni Brie na most deserving sila sa award dahil sila ang gumagawa ng mga mahihirap na stunts.

Heto pa ang ilang winners sa 2019 MTV Movie and TV Awards:
Best Movie – “Avengers: Endgame”; Best Show – “Game of Thrones”; Best Performance in a Movie – Lady Gaga (“A Star Is Born”); Best Hero – Ro­bert Downey Jr. (“Avengers: Endgame”); Best Villain – Josh Brolin (“Aven­gers: Endgame”); Most Frightened Performance – Sandra Bullock (“Bird Box”); Best Documentary – “Surviving R. Kelly”; Best Musical Moment – “Shallow” (“A Star is Born”). (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy