Una sa Balita

Duwelong Pare, Cawaling sa St. Clare vs Hyperwash

0 262

Mga laro ngayon: (Paco Arena, Maynila)
1:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare* vs Hyperwash
3:30 p.m. – TIP* vs Black Mamba

MULING sasalakay sina Malian slotman Mohammed Pare at Darwin Lunor upang rendahan ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa semifinals kontra Hyperwash mamayang ala-1:30 ng hapon sa 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 quarterfinals sa Paco Arena, Maynila.

Armado ng twice-to-beat advantage ang Saints tapos walisin ang anim na signatura sa eliminations kaya kumpiyansa laban sa rank-4th na Vipers na tumapos ng 3-3 2in-loss record sa Group B rin. Tampok sa ragasang iyon ng BRT ang pagpaligo sa Hyperwash nitong Agosto 1, 129-72.

Pero alerto ang si Stevenson Tiu, ayaw lumingon sa nakaraan.

“Pagdating sa quarters and semifinals, syempre it will be a different story,” Saints coach. “Lahat ng tambak namin, ‘di naman make-carry over, so we have to start from scratch again”.

Para naman sa Hyperwash, aasahang muli ni coach Joel Palapal sa 1-2-3 mga panagupa niyang sina JR Cawaling, Khazim Mirza at Jeric Fortuna nang bumalikat sa 70-64 paghakbang nila sa Italiano’s Homme sa do-or-die match nitong September 5 na naghabol sa kanila sa Last Eight.

“Knowing these kinds of players, kahit bad start kami, nakapag-cope up sila at nakapasok kami sa playoffs. Hopefully mas maging maayos pa ‘tong playoffs para sa amin”, lintanya wakas na daldal ni Palapal. (Aivan Denzel Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy