Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duwag! Congresswoman binanatan ng anak sa ABS-CBN franchise renewal

0 2,193

Kung ang ibang anak ay super proud sa naging boto tungkol sa ABS-CBN franchise renewal ng kanilang mga magulang na mambabatas, hindi ganoon ang nangyari kay Malabon Congresswoman Jaye Lacson-Noel.

Mismong anak nina Lacson-Noel at An Waray party-list Rep. Bem Noel, ang bumatikos sa kanyang ina sa pagpapadala umano sa “pressure ng mga nasa itaas” para bumoto ng “yes” sa pag-deny sa ABS-CBN ng kanilang prangkisa.

Tinawag pa ng anak ni Lacson-Noel, na may Twitter username na Kito (@marupokpokito), ang kanyang ina na duwag at isang “fascist” o diktador.

“Damn my mom really voted for the terror bill AND for denial of franchise renewal for abs-cbn? Pick a struggle and go you fascist,” tweet ni @marupokpokito.

“UPDATE: My mom didn’t vote herself. She deputized another Representative to vote in her place who voted YES on Denial So in this instance she’s just a coward who was scared of pressure from upstairs. Still voted yes on the anti-terror bill tho so she’s still a fascist,” dagdag niya. (IS)

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.