Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte Youth party-list butata! Guanzon tinukuran ng Comelec

0 90

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang kahilingan ng Duterte Youth party-list na itigil ang substitution ni dating poll commissioner Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD party-list.

Ayon kay Acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco,inaprubahan ng En banc ang rekomendasyon ng kanilang law department sa oposisyon ng Duterte Youth na inihain noong Enero 17.

Kabilang umano sa dahilan ng pagbasura sa oposisyon, ang Resolution 10717 na nagkaloob ng rules bago ang eleksiyon at hindi ang post elections.

Binigyan bigat rin ang withdrawals, substitutions at submission ng bagong listahan ng nominees pagkatapos ng halalan.
Pinapayagan rin sa Sections 8 at 16 ng Party-List System Act ang submission ng additional nominees kung pinalitan ang ibang nominee.

Gayundin ay nakasunod ang P3PWD sa publication requirements.

Tinutulan ng Duterte Youth ang substitution ni Guanzon dahil sa paglabag nito sa rules ng Comelec sa deadline ng substitution, paglabag sa Graft & Corrupt Practices Act, paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Iginiit ng Duterte Youth na inihain ng P3PWD na lagpas sa itinakdang deadline na Nobyembre 15 ang paghahain ng substitution documents. (Juliet de Loza-Cudia/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.