Una sa Balita

Duterte walang tiwala kay Robredo

0 395

NAGPALIWANAG si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit ayaw niyang isama sa Cabinet meeting si Vice-President Leni Robredo kahit itinalaga niya itong co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang press conference nitong Martes nang gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang ipagkatiwala kay Robredo ang mga dokumento at intelligence data sa giyera kontra droga ng administrasyon.

“Ang problema kasi dito ganito. I cannot trust her not only because she is with the opposition. I do not trust her because I do not know her,” ayon sa Pangulo.

Ayon kay Duterte, talamak ang illegal drug operation sa Bicol region kaya nagdadalawang-isip ito dahil taga-Naga si Robredo.

“Hindi ko alam kung sino ang kausap niya noon, kung sinong mga politiko, kung sinong mga tao, probably… You know one of the biggest ah…

one…the biggest actually of a drug manufacturing apparatus was in Bicol, sa Naga,” paliwanag ng pangulo.

Sinabi naman ni Robredo na mas makabubuting kausapin na lamang siya ni Pangulong Duterte nang harapan at sabihin kung tatanggalin na siya bilang co-chair ng ICAD.

“Kung ayaw niya ako dito in the first place, bakit ako in-appoint? Kung nagkamali siya sa pag-appoint sa akin, sabihin niya lang,” giit ni Robredo.

Giit ni Robredo siya ang klase na hindi umaatras sa anumang ibinigay sa kanya, maliit man o malaki.

“Ako never ako umayaw sa trabaho kapag binigyan ako ng trabaho. Kahit gaano iyon kaliit, gagawin ko iyong aking lahat ng makakaya para gampanan ang trabahong binigay sa akin,” dagdag pa nito.

Si Robredo ay may dalawang linggo pa lamang na ICAD co-chair kaya naman nagtataka umano ito kung bakit pa siya itinalaga ng Pangulo sa nasabing posisyon.

“Hindi ko din maintindihan,” ani Robredo. (Aileen Tali­ping/Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy