Una sa Balita

Duterte walang sasantuhin sa 3 gabineteng sangkot sa korapsiyon

By
0 688

HINIHINTAY ng Malacañang ang report ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kaugnay sa tatlong miyembro ng gabinete na iniimbestigahan dahil sa korapsiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pang nakakarating na report at rekomendasyon ang PACC sa Malacañang.

“With regard to that, mag-aantay kami kung ano ‘yung findings. Kung ano ‘yung rekomendasyon nila, kung may ebidensiya,” ani Panelo.

Malinaw naman aniya ang patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa isyu ng korapsiyon na walang sasantuhin, maging ikaw ay kaibigan, kaalyado o kamag-anak.

“You must remember that the President’s policy, there are no sacred cows in this administration. You violate the law, whether you are a friend, an allay or political adversary, a relative, or a fraternity brod, wala lahat ‘yun. You violate the law, you are accountable,” dagdag pa ni Panelo.

Nauna rito inihayag ni PACC Commissioner Atty. Manuelito Luna na iniimbestigahan nila sina Labor Secretary Silvestre Bello III, TESDA Director General Isidro Lapeña at National Commission on Indigenous People o NCIP chairperson Atty. Leo­nor Quintayo dahil sa umanoy isyu ng korapsiyon.

Sinabi ni Panelo na hangga’t walang rekomendasyon ay mananatili sa kanilang puwesto ang tatlong iniimbestigahang gabinete.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy