Una sa Balita

Duterte walang kanser – Palasyo

By
0 322

WALANG kancer si Pa­ngulong Rodrigo Duterte batay sa resulta ng me­dical examination sa kanya sa Cardinal Santos Hospital.

Sinabi ni Chief Pre­sidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na inianunsiyo ito ng Pa­ngulo kamakalawa nang gabi sa kanilang cabinet meeting.

Negative aniya ang resulta ng kanyang me­dical tests at maayos ang kanyang kondisyon.

“Sinabi niya sa cabi­net meeting na ‘ok ako negative result’. Sorry to disappoint you guys,” ani Panelo.

Pero sinabi ng kalihim na kahit pa positive ang resulta ng colonoscopy at endoscopy ng Presidente ay hindi ito mapipigil sa pagtatrabaho dahil lahat aniya ng sakit ngayon ay nagagamot.

“Pero kahit assu­ming even na naging positive, that will not stop the President from wor­king dahil lahat naman ng sakit ngayon nagagamot. Saka hindi naman nababaldado ‘yung may sakit eh, nakakapagtrabaho pa rin,”dagdag pa ni Panelo.

Kinumpirma din ni Interior and Local Go­vernment OIC Sec. E­duardo Año na sinabihan sila ni Duterte sa cabinet meeting noong Lunes na negative siya sa kanser.

Matatandaang lumakas ang espekulasyon na may malubhang sakit si Duterte makaraang ulitin ang eksaminasyon sa kanya at hindi sinipot ang isang aktibidad nito sa Malacañang noong nakalipas na linggo.

Matagal nang ini­rereklamo ng Pangulo ang pananakit ng kanyang likod, madalas na migraine at iniindang Buerger’s disease dulot ng paninigarilyo nito noong kabataan pa niya.