Una sa Balita

Duterte wala nang itatalagang drug czar

0 377

WALA nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga pa ng bagong drug czar.

Inihayag ito ng Pangulo matapos sibakin si Vice-President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) dahil sa aniya sa mga misstep nito.

Sinabi ng Pangulo sa nadala na siya sa Bise-Presidente dahil sa halip aniya na tutukan ang paglutas sa problema sa iligal na droga ay kung sino-sino ang kinakausap nito.

Mas inuna aniya ng pangalawang Pangulo ang pakikipag-usap sa mga opisyal ng US embassy at ilang organi­sasyon sa halip na kausapin nito ang mga local executive at rehabilitasyon ng mga sangkot sa iligal na droga.

“Nadala na ako. Hindi na mag-anti drug czar. Huwag na yang czar, czar. Actually that has been already adapted like a cliche’. Parang cliche’ yang czar parang top gun. Hindi puwede ito kay Leni, kasi maingay,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ang ginagawa ni VP Leni ay grandstanding sa halip na tutukan kung ano ang iniatas nito sa kanya.
Sa mga unang aksiyon pa lang aniya ni Robredo ay sinibak na niya ito sa puwesto.
“I fired her in my mind. Noon pa, first day pa lang nang nagpunta ito sa US embassy,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy