Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte vs mga nega sa Sinovac: Kung ayaw n’yo ‘di huwag!

0 208

Hindi pipilitin ng gobyerno ang mga lokal na opisyal na gumamit ng bakunang bibilhin ng gobyerno mula sa China partikular ang mula sa Sinovac kung ayaw ng mga ito.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na mensahe sa bayan kasunod ng tila nagpapaligsahang mga alkalde sa Metro Manila at ilang gobernador sa pagbili ng sariling bakuna galing sa ibang mga kompanya gaya ng Pfizer.
Binigyang-diin ng Pangulo na libre ang bakunang ibibigay ng gobyerno para sa mga Pilipino at kung may pera ang ilang local executives para bumili ng sariling bakuna, hindi aniya pipigilan ang mga ito.

“Alam mo totoo lang we are not forcing anybody to join the cause of the national government. Hindi namin pinipilit na sumali kayo sa ibinigay na bakuna ng national government. Ito libre at pinaghandaan ang pera,” anang Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi aniya makikialam ang national government kung aling bakuna ang pipiliin ng mga lokal na pamahalaan pero kailangan pa ring dumaan ang mga ito sa mga ahensiyang magsusuri sa mga ipapasok na gamot sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na sa gobyerno ang bagsak ng sisi kapag may pumalpak sa mga gamot mula sa mga biniling bakuna ng mga LGU kaya kailangan pa ring masuri ang mga ito.

“I am now addressing myself to the mayors and governors. You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin nyo. That’s one thing, hindi kami makikialam sa lahat ng bagay in the purchase ,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.