Una sa Balita

Duterte umaktong peacemaker: Iran huwag hamunin ng giyera!

By
0 936

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang mainit sa bansang Iran na tigilan ang panghahamon dahil posibleng magresulta ito sa katapusan ng mundo.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Asia-Pacific Healthy Islands Conference 2018 sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na kailangang magkaroon ng kapayapaan sa mundo kaya dapat tigilan na ang paghahamon ng giyera sa Iran dahil kapag nangyari ito ay hudyat na ng mas matinding digmaan.

Balewala na aniya ang mga pinag-uusapang climate change kung nagpakawala na ng mga missile ang Iran dahil hindi biro ang magiging pinsala nito sa mundo.

“Before anything else, there has to be peace in the world. Stop egging Iran to go to war. Because then if that’s what will happen, even about a few hundreds of missiles, nuclear, then there’s no use of talking about climate change. The nuclear explosion, every time it’s being done, eats or erodes the dignity of earth altogether. And so it behooves upon the leaders of nations who are really there and who can make the change, they can do much. And we appreciate nations who approach the problem with sobriety, understanding and providing the cooler heads, so to speak,” anang Pangulo.

Magiging matindi aniya ang idudulot na pinsala kapag nagkaroonNng giyera dahil hindi lamang ang mga tao ang maapektuhan kundi pati na rin ang ecosystem ng mundo.

Nauna rito binalaan ni Iranian President Hassan Rouhani si United States President Donald Trump na magkakaron ng ‘mother of all wars’ sakaling ituloy ng America ang pag-withdrawNsa nuclear deal na naunang napagkasunduan sa Obama administration.