Una sa Balita

Duterte tumulak patungong Malaysia

By
0 577

TUMULAK si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Kuala Lumpur, Malaysia para manood at magbigay suporta kay Senador Manny Pacquiao sa laban nito kay Argentine boxer Lucas Matthysse.

Alas-tres kahapon nang hapon ang flight ng Pangulo sa Davao International Airport.

Nabatid na ang talagang pakay umano ni Pangulong Duterte ay makipagpulong kay Malaysian Prime Mahathir Mohamad sa Lunes, subalit dahil sa Kuala Lumpur gagawin ang laban ni Pacquiao ay nagpasya na itong panoorin ang kaibigang senador para magbigay na rin ng kanyang moral support.

Nauna nang ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pagbisita ng Pangulo sa Malaysia ay upang makipagkita at magkausap sila ni Mohamad.

Kabilang anya sa mga nais pag-usapan ni Pangulong Duterte kay Mohamad ang isyu sa insurgency at ISIS terrorist group.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy