Una sa Balita

Duterte tumanggi sa China cellphone

0 405

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng China na high-tech cellular phone na hindi kayang i-hack kahit ng pinakamagaling na hacker.

Sinabi ng Pangulo sa pa­nayam sa kanya ng ‘Unang Hirit’ sa GMA-7 na sa pamamagitan ng nasabing cellphone ay direkta niyang makakausap si Chinese President Xi Jinping sa mga isyung may kinalaman sa Pilipinas at China.

Gayunman ay tinanggihan aniya ito ng Pangulo dahil ayaw niyang magduda sa kanya ang mga Pilipino na mayroon itong itinatagong mga sikreto.

“As a matter of fact they offered to give me a cellphone na hindi ma-hack. Ayoko ko.. I do not want the people to suspect that I have secrets,” anang Pangulo.

Binigyan-diin ni Pangulong Duterte na nagkausap naman sila ni Jinping sa mga isyung may kinalaman ang dalawang bansa at wala siyang maisip na dahilan para gawin ng China ang pinangangambahan ng mga kritiko na baka pagbali­ngan ang power grid sa bansa para makaperwisyo.

“I would like to address myself respectfully to President Xi Jinping. What could be the reason na.. because I do not believe that you would do it. But if there is, what could be a reason for you to cut it. I know now, na right now they are listening to us, satellites, without using the grid, the spies.. I don’t know kung sino dito, I have to torture… they know. I know because I have talked to him,” dagdag pa ng Pangulo.

Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na kasosyo ng Pilipinas ang China sa National Grid Corporation of the Phi­lippines dahil sa aspeto ng negosyo at kumita ng salapi, at kailangan ng gobyerno ang alok ng China para magkaroon ng magandang serbisyo at mas magandang distribusyon ng enerhiya ang bansa. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More