Una sa Balita

Duterte tiwala pa rin kay Bello, ‘extortion’ ipinaubaya sa PACC

By
0 745

NANANATILI pa rin ang tiwala ni Pangulong Rod­rigo Duterte kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre ­Bello III.

Sa harap ito ng ulat na iniimbestigahan ngayon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si Bello­ sa isyu umano ng ­extortion.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bahala na ang PACC kung ano ang magiging disposisyon sa reklamong inihain laban sa kalihim.

“That’s [PACC] up to them. Yes, he still has the trust and confidence of the President,” ani Roque.

Nag-ugat ang isyu sa umano’y panghingi ni dating DOLE Undersecretary Dominador Say ng salapi sa ilang recruitment agency kapalit ng hindi pagbawi sa lisensiya ng mga ito, at may basbas umano dito ang kalihim ng DOLE.

Mariin namang itinanggi ni Bello ang akusasyon laban sa kanya.