Una sa Balita

Duterte tinawag na sinungaling ni MVP

By
0 1,962

PINARATANGAN ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan (MVP) na sinungaling si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte nang sinabi nitong humihingi ang PLDT-Smart ng tatlong bilyong piso sa pamahalaan kapalit ng 3G frequency na hawak ng Connectivity Unlimi­ted Resource Enterprises (CURE).

Ayon sa isang interview, binigyang-diin ng business tycoon na hindi totoong ayaw pakawalan ng PLDT-Smart ang 3G frequency ng CURE sapagkat isa ito sa mga kondisyong inilapat sa kanila nang binili nila ang Sun Cellular mula sa pamilya Gokongwei noong 2011.

Ang CURE naman ang nagpapatakbo ng dating RED Mobile ni dating Trade Minister Roberto Ongpin na binili naman ng Smart noong 2008.

Sabi ni Pangilinan, walang katotohanan ang bintang na ayaw nilang pakawalan ang frequency ng CURE.

“Hindi ko po alam if Manny Pangilinan in fact accused the President of lying. I will not comment on tsismis,” sagot naman ni Presidential Spokesman Harry Roque. (­Eileen Mencias)