Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte tinawag na bulador mga senador

0 140

BINUWELTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na mainit kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez at tinawag na mga “bulador” ang mga ito.

Basahin : Duterte tinawag na bulador mga senador

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na walang nahita ang mga nang-intriga kay Secretary Galvez dahil walang napatunayang katiwalian sa ginagawang transaksiyon ng gobyerno.

Basahin : Pebrero turukan na! Duterte dumiskarte ng COVID vaccine

“Mayroong iba diyan because wala silang nakuha kay Galvez, mayroon na nagsasabi na they were able to obstruct or prevent corruption because of their timely investigation. Alam mo mga bulador kayo,” anang Pangulo.

Basahin : Duterte ipupusta pagka-pangulo para kay Galvez

Hinamon ng Pangulo ang mga senador na mainit sa transaksiyon ng gobyerno sa pagbili ng bakuna na mag-usap sila sa kanyang official residence para magkaalaman kung ano talaga ang habol sa ginagawa ng gobyerno.

Basahin : Digong posibleng mauna sa bakuna – Roque

“Mag-usap nga tayo, iyong tayo lang. Kung sinong nagsabi niyan please rise and be brave enough to say that you are the one. I’d like to talk to you, maski saan mo gusto. Sa bahay mo o you can do it there in the house, at office at Pasig,” dagdag ng Pangulo.

“Diyan ako na… kasi walang nakuha and they are all still trying to pick the brains of Galvez looking for something which is not there at all,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.