Una sa Balita

Duterte tinabla sa sabayang pagbitiw

By , ,
0 6

Ayaw patulan nin­a Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang hamo­n sa kanila ni Pangulon­g Rodrigo Duterte na sabay-sabay silang mag-resign sa puwesto.

“The Chief Justice will not resign because she has done nothing unlawful, illegal and impeachable. Ang gusto niya lang mangyari ay makapagpatuloy siya sa paggampan sa kanyang mga tungkulin bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema,” ayon kay Atty. Jose Deinla, isa sa tagapagsa­lita ni Sereno sa panayam ng media.

Sinabi naman ni Atty. Carlo Cruz, abogado rin ni Sereno, na hindi magkokomento ng ano man ang Punong Mahistrado sa hamon ng Pangulo at sa halip ay pagtutuunan nila ng pansin ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon.

Maging si Ombudsma­n Morales walang balak ­pa­tulan ang hamon sa kanya ni Pangulong Duterte na mag-resign sa puwesto.

Sa maikling pahayag­, muling iginiit ni Morales ang posisyon ng kanyang tanggapan na ang trabaho ay sumunod sa cons­titutional duty ng Offic­e of the Ombudsman. ­