Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte tinaas sexual consent sa 16-anyos

0 283

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aamiyenda sa anti-rape law na layuning palakasin ang pagbibigay proteksiyon sa mga inaabusong menor de edad.

Sa ilalim ng Republic Act 11648, itinataas ang edad para sa pagtukoy ng statutory rape mula sa dating 12-anyos ay ginawang 16.

Kahit pumayag makipagtalik ang isang 16 taong gulang ay maituturing pa rin itong rape at babagsak sa kategoryang statutory rape.

Nakasaad sa probis¬yon ng RA 11648 na nilagdaan nitong March 4, 2022, na sinumang nakagawa ng sexual act sa isang edad 16 pababa ay maaaring makasuhan at makulong.

Pinalakas din ng nabanggit na batas ang proteksiyon sa mga bata laban sa prostitusyon, child trafficking, malalaswang publikasyon at iba pang uri ng exploitation.

Pagkabilanggo ng mula anim hanggang 12 taon at multang P50,000 ang parusa sa sinumang mapapatunayang kasama ng menor de edad sa mga estabilisimiyento gaya ng hotel, motel, beerhouse, massage parlor, beach at tourist spots. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.