Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte tatakbong senador

0 265

Tuluyan nang natuldukan ang usap-usapan kaugnay sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.

Ito ay matapos na lumutang kahapon sa Commission on Elections (Come-lec) si Atty. Melchor Aranas, kinatawan ng Pangulo at naghain ng cer-tificate of candidacy (COC) nito para tumakbong senador sa 2022.

Pinalitan ni Duterte na kakandidatong senador sa ilalim ng Pederal-ismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) party si Mona Liza Visorde na nauna nang nag-withdraw ng kandidatura.

Bago magtungo sa Comelec ang abogado ng Pangulo ay kinumpirma sa mga mamamahayag ni presidential aspirant Senador Bong Go ang naging plano ni Duterte.

Sa maiksing text message ay sinabi ni Go na pagka-senador ang tatak-buhin ng Pangulo.

Hindi rin aniya nito na gustong tumakbong vice-president ang Pangulo dahil ayaw niyang magkasakitan pa sa pamilya nila.

“Ayaw ko ding VP ang i-file niya. Ayaw ko magkasakitan pa. Tama na ako ang masaktan, mataas respeto ko kay Pangulo at pamilya,” ani Go.

Sina Duterte at Go ay tatakbo sa iisang partido sa darating na hal-alan.

Matatandaang nitong Oktubre ay sinabi ni Duterte na magreretiro na siya sa politika matapos na bawiin ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagka-Bise Presidente. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.