Una sa Balita

Duterte supporter pinagmulta, sinopla ng PCC sa biniling kompanya

By
0 1,558

PINAWALANG-BISA ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pagbili ng Chelsea Logistics Holdings Corp., kompanya ng Duterte supporter na si Dennis Uy, sa Trans-Asia Shipping Lines at pinagmulta ito ng P22.8 milyon ­dahil hindi nito inabisuhan ang ahensiya tungkol sa transaksiyon ­n­­o­on­g D­isyembre 2016.

Mandato ng PCC na tiyaking patas ang laba­nan sa negosyo para magkaroon ng kompetisyon sa kabutihan ng mga consumer.

Dahil sa pagwawa­lang-bisa ng transaksiyon, magpapataw na rin ng mga kondisyon ang PCC para sa clearanc­e na naibigay na nito sa pagbili ng Chelsea ng KGLI-NM Holdings Inc. na nagpapalakad sa 2Go.

Sinabi naman ng Chelsea na hindi sila sang-ayon sa desisyon ng PCC dahil hindi naman daw umabot sa threshold na P1 bilyon ang mga ­asset ng Trans-Asia nang maganap ang transaksi­yon kung isasama ang mga utang nito sa bila­ngan. Sabi pa ng Chelsea, wala pang guideline ang PCC nang nangyari ang transaksiyon at inilabas lamang ang guideline noong December 2017. Dagdag pa ng Chelsea, itinaas na rin ng PCC ang thres­hold sa P2 bilyon nga­yong taon kaya’t hindi na dapat kailanganin ang basbas nito para matuloy ang transaksiyon.

Sinabi ng Chelsea na pinagaaralan nila kung maghahain sila ng motion for reconsideration sa komisyon o kung didirekta na ito sa Court of Appeals.