Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte suportado ng Turismo kontra terorismo sa eleksiyon

0 127

Sinuportado ng Turismo Isulong Mo Partylist ang panawagan ni Pangulong Duterte sa sambayanan na hadlangan ang anumang tangkang terorismo o panggugulo sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng TURISMO, maging mapagbantay tayong lahat at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpo-protekta sa balota at padaraos ng malinis, matapat at parehas na botohan partikular na sa kanayunan.

Si Teo na dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay humiling na sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang “intelligence effort” para matukoy ang balak ng sinumang grupo na maghasik ng lagim sa darating na Mayo 9.

Sinabi naman ng dating Alkalde ng San Juan Abra na si Atty. Marco Bustista, 2nd nominee ng Turismo, ang grupo nila ay tiwala sa kakayanan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na panatiliin ang kaayusan at katahimikan para sa matagumpay na eleksyon partikular na sa mga malalayong munisipalidad.

Pangako ni Teo at Bautista na kakatawanin at isusulong ng TURISMO ang kapakanan at interes ng mga tourism workers, small enterpreneurs, at mga komunidad ng mga tourism destinations lalu ang mga nasalanta ng pandemya at iba pang kalamidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.