Una sa Balita

DUTERTE SONA SINABOTAHE NI GLORIA

By
0 2,627

TINAPOS kagabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa loob lamang ng halos 48 minuto.

Nakulangan ang ating kababayan sa laman ng SONA ni Pangulong Duterte.

Maraming pag-uulat sa lagay ng gobyerno na nais marinig ang publiko na nag-abang sa telebisyon pero bigo ang mga ito.

May duda naman ang karamihan na may kina­laman sa pang-aagaw ng eksena sa Kongreso ang matamlay na pagtanggap sa laman ng SONA.

Ito ay bunsod ng pagkudeta kay House Speaker Pantaleon Alvarez at pinalitan ito ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-­Arroyo.

Matapos ang pagpapatalsik sa puwesto ay mistulang kapit-tuko pa sa pagiging Speaker si Alvarez dahil kasama ito ni Senate President Tito Sotto habang nagtatalumpati si Pangulong Duterte.

Matatandaang kahapon bago ang SONA ay pinanumpa ni Ang Kabuhayan Rep. Dennis Laogan si Arroyo sa podium.
Si Arroyo ay nasa huling termino na bilang kongresista.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 180 ang pumirma sa ipinakalat na manifest of support sa liderato ni Arroyo bilang pinuno ng Kamara.

Sinasabing isinulong ang pagpapalit ng lide­rato ng Kamara matapos magkainitan sina Alvarez at Presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Arroyo ay dati nang inakusahan ng pang-aagaw ng kapangyarihan ng aktres na si Susan Roces.
Mismong ang biyuda ng action king na si Fernando Poe Jr., ang nagbitaw ng salitang “you have stolen the presidency, not once, but twice” dahil sa dudang nadaya ito sa halalan.

Si dating Pangulong Joseph Estrada naman ay napababa sa puwesto matapos ang 2001 Edsa revolution, kapalit si ­Arroyo.