Una sa Balita

Duterte, Sison nagkasundo sa peace process

By
0 37

Muling nagkausap sa pamamagitan ng telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at CPP-NPA-NDF founding chairman Jose Maria Sison patungkol sa isyu ng peace process.

Ito ang kumpirmasyon kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa ginawang press briefing sa Palasyo ng Malacañang.

“…it went through. It was mostly a conversation ‘between friends’. No references were made to political issues. Both agreed on moving peace process forward,” ayon pa kay Abella.

Kaugnay nito ay tutulak ang government peace panel sa Rome, Italy sa susunod na taon, Enero para sa third round ng formal peace talks sa National Democratic Front (NDF) kung saan ay magiging tampok sa usapan ang social and economic reforms na inilatag ng mga rebelde sa negotiating table.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy